Monday, June 21, 2010

Isang Mahabang Panaginip., "SALAMIN"

Hmmm., isang kakaibang panaginip ang napanaginipan ko kagabi., isang lugar na hindi pamilyar .,ganun din ang mga taong nakapaligid sakin., tinatanong ko kung sino sila at bakit kilala nila ako., iniisip ko tuloy kung mga kaibigan ko sila in the past., pero magaan naman ang loob ko sa kanila., kinakausap nila ako sa isang bagay na hindi ko alam kung ano., hindi ko tuloy alam kung nabingi ako sa mga oras na yun! hahaha XD., isang "SALAMIN" ang ibinigay sa akin ng isa sa lalaking hindi ko kilala., iniisip ko kung anu ang meron sa salamin?? anu nga bang meron?? loko talaga yun! ewan ko ba at ibinigay ito sakin ng isang lalaking hindi pamilyar ang mukha., pero weird talaga ang pakiramdam ko tungkol sa salamin na hawak ko ng mga sandaling iyon., isang makalumang salamin na Oblong ang hugis., sa panaginip ko ay may isang lalaki na palaging nakatabi sa akin., hmm., siguro tropa ko sya! hehehe., sa mga sandaling iyon., nagbago ang lugar.

Sa isang lumang masyon kami nakatambay., isang makalumang mansyon na bago ang mga gamit., sa panahon na yun. isang magandang sala.,may sofa, fire place sa kanang bahagi ng mansyon,kandila atbp., sa kaliwang bahagi ng sala ay may isang salamin na malaki., na kung titingnan mo ay makikita mo ang sarili mo hanggang tuhod., inabot kami ng gabi sa pagkukwentuhan., habang ang mata ko naman ay tumitingin sa paligid(or talagang mabilis lang ang oras sa aking panaginip) kakaiba ang simoy ng hangin., natapos ang kwentuhan namin ng sandaling umalis ang aking "kaibigan" para kumuha ng makakain., magaling naman sya makisama sakin kaya ayos lang sakin., basta hindi siya nangangagat hahaha XD., napansin ko na hawak ko parin ang salamin na inabot sa akin ng isang lalaki. tiningnan ko itong mabuti, nakakita ako ng isang matanda sa salamin ., nakakatakot ang kanyang mukha., mas masahol pa sa mukha ng matanda dun sa "Babua" (kung tama ang pagkaspelling ko.,isa palabas ni kris aquino) napunta ako sa isang madilim na lugar., isang lugar na may matataas na damo at maputik na lupa., sa scene na ito., hinahabol ako ng matandang babae., na may kung anung meron sakin na kailangan niya akong patayin., bakit kaya?? hmmm., habang tumatakbo napansin ko na hawak ko parin ang salamin., inisip ko kung babasagin ko ang bagay na ito ., anu kayang mangyayari??., sa daan ay may nakita akong bato, kinuha ko ito at nagtago ako sa isang lugar kung saan hindi ako makikita ng matandang babae., Binasag ko ang salamin at nakarating ako sa lugar kung saan una kong tinitigan ang salamin (sa sala ng mansyon). nagtataka ako kung bakit binasag ko na ang salamin pero buo parin ito ng nakabalik ako sa mansyon., dumating ang aking kaibigan at nagtanong kung bakit ako nakatulala sa salamin na hawak ko., kinuwento ko sa kanya ang mga detalye., at hindi sya naniwala.

nagising ako sa aking pagkakatulog., mga 1:00 ng madaling araw., pumikit ulit ako., at bumalik ulit ang panaginip ko ng mga sandaling iyon., nandun ako sa place kung saan naiwan ko ang aking panaginip., hawak ko parin ang salamin at nasa kusina ang lalaking kausap ko. bakit kaya ang panaginip na ito nanaman ang aking napanaginipan?? sinilip ko ulit ang salamin na hawak ko at bumalik nanaman ako sa lugar kung saan naroon ang matanda., na animoy naghihintay saking pagbabalik., ngumiti ito sa akin at dahan dahang lumalapit sa akin., hindi ako makagalaw sa oras na yun., pero may humawak sa aking mga braso at pilit akong hinahatak palayo kung saan hindi kami maabutan ng matandang babae., isang kaibigan., paulit ulit lang ang nangyayari., nagigising ako ng mga oras na binabasag ko ang salamin at kapag natulog ako ulit nanaman sa lugar kung saan ako nagsimula., (weird dahil kadalasan., kapag nagising ako., hindi ko na napapanaginipan ang naging panaginip ko sa sandaling natulog ulit ako)

No comments:

Post a Comment