Friday, June 25, 2010

Family Bonding sa Meds Resort",)


First time kong Pumunta sa MEDS RESORT., Nag enjoy kaming lahat kasama ng Family ko., nakakatuwang isipin na magkakaroon pa kami ng family bonding dahil matagal narin nung last na lumabas kaming magkakasama ng aking Pamilya., (minsan lang kaya sulitin na!) hahaha., ginawa narin naming double ocassion ang araw na ito., para sa fathers day special ng aking " AMANG HARI" ..,






Falls at Swimming Pool for kids

For Adults
(Basta kayang lumangoy ng 5 ft., haha)

Other Side of the Pool

June 13, 2010
Ito ay ilan lamang sa spot na makikita sa Meds Resort., maganda ang lugar very relaxing ang place., pwede in Any Ocassions., Bday party, Family bonding, Etc.,



Wednesday, June 23, 2010

Simple day",)

Isang simpleng araw na naman ang nakalipas., gumawa kami ng isang program sa Visual basic,isang pagsasanay para magkaroon kami ng kaalaman tungkol sa Visual Basic., dahil may kaalaman na ako ng kaunti sa aming pinag-aaralan, naging madali nalang para sa akin ang ginawa namin ngayon., sa araw na ito ay nakuha ko narin ang bagay na mahalaga sa akin ganun din sa isa kong kaibigan., ilang araw din ang nakalipas bago ko nakuha ito haha., namiss ko tuloy.,
One Week pa lang ang nakakalipas ng magsimula ang First Class pero nagkaroon na kaagad ako ng bagong kakilala (bagong Tropa) bagong mukha., masasabi kong naging mas- close kami ngayon ng mga dati kong mga Classmate.,si nolan, isa sa kwela ng grupo marami syang nakukwento sakin nung First year pa kami tungkol sa buhay niya sa Province nila., kapag nasimulan nya ang isang bagay, talagang nagiging masaya ang lahat., ang tahimik ay nagiging maingay at ang mahinhin., nagiging ROCKER!! haha XD., matalino at journalist din sya., ang tawag sa kanya ng mga dati naming Classmate ay " CHIVAKER!!" kung bakit?? alamin.,

si Jeniffer Guado, ang Tawag ko sa kanya ay "Pagibig", kung bakit Pag-ibig ang tawag niya sa akin?? biglaan nya nalang naisipan hahaha XD.,naging Classmate ko na sya ng first year kami., isang Smart student na galing sa PUP( "Payupian ng lata" sabi nya) at dahil irregular siya katulad ko, naging Close kami., kabiruan ko sa school at kapag wala akong magawa madalas siya ang nakakausap ko lalo na kapag nakikita niya ako sa lobby ng school na nag iisa kapag may klase ang mga classmate ko., madalas niya akong kwentuhan ng tungkol sa lovelife nya., at si bigay naman ako ng Payo., ngayong Semester., tinulungan ko siya na kumuha ng subject sa SECTION ko para magkasama kami hehe., kaya naman masaya ako dahil kasama ko na naman ang parang lil sis ko narin.,

Si Margie, Daisy at Neri, laging magkakasama sa lahat ng oras., The Three sisters ., nakakatawang isipin na dati hindi kami masyadong nagpapansinan ng mga Classmate ko, pero dahil konti nalang kami ngayon, todo bonding time na kami., si jonelyn naman ang klasmyt naming mahiyain sa lahat., na kapag tinatawag, natataranta hehe., si mhika naman, medyo mataray., pero makakausap mo naman ng maayos.,si Geshe, Rara, Jayval,zeifel naman ang mga tropa kong lalaki ngayon pasukan, si geshe, maraming alam about computer dahil may comshop syang pinapatakbo., si rara., magaling sa programming namin, sa math, Computer Genius hehe.,
isa sa mga bago kong nakilala ay si Bea padua., palaging nakangiti at medyo tahimik., pero kapag nasimulan na ng harutan., ayun! haha., si ericka morgan, bibong babae., hehe., siguro kung kasama ko sya sa isang island., hindi ako maboboring., kasi hindi siya mauubusan ng sasabihin sayo., masaya siya kasama., si robin na classmate namin sa PHYSICS isang irregular student na galing ng lasalle., at kumuha ng kursong IT ngayong taon., ganun din si SP., irregular at galing ng lasalle sa kursong Comscie., sabi nya sakin., 44,000 ang isang semester sa lasalle., ang mahal ah! halos apat na taong tuition ko rin yun!haha XD., pero sabi niya, ngayon lang daw sya natutong makinig sa Proffesor., dahil sa lasalle., always serious ang proff. kaya boring., hehehe.,ang mga naging Classmate ko ngayong semester ay pinaghalong CS2,CS3,CS4 student na nahuli mag-enroll., karamihan sa mga lalaki sa aming section ay hindi ko pa kilala kaya naman hindi ko pa sila nakukwento. pero karamihan sa kanila., KWELA!! hahaha XD.,

Monday, June 21, 2010

Isang Mahabang Panaginip., "SALAMIN"

Hmmm., isang kakaibang panaginip ang napanaginipan ko kagabi., isang lugar na hindi pamilyar .,ganun din ang mga taong nakapaligid sakin., tinatanong ko kung sino sila at bakit kilala nila ako., iniisip ko tuloy kung mga kaibigan ko sila in the past., pero magaan naman ang loob ko sa kanila., kinakausap nila ako sa isang bagay na hindi ko alam kung ano., hindi ko tuloy alam kung nabingi ako sa mga oras na yun! hahaha XD., isang "SALAMIN" ang ibinigay sa akin ng isa sa lalaking hindi ko kilala., iniisip ko kung anu ang meron sa salamin?? anu nga bang meron?? loko talaga yun! ewan ko ba at ibinigay ito sakin ng isang lalaking hindi pamilyar ang mukha., pero weird talaga ang pakiramdam ko tungkol sa salamin na hawak ko ng mga sandaling iyon., isang makalumang salamin na Oblong ang hugis., sa panaginip ko ay may isang lalaki na palaging nakatabi sa akin., hmm., siguro tropa ko sya! hehehe., sa mga sandaling iyon., nagbago ang lugar.

Sa isang lumang masyon kami nakatambay., isang makalumang mansyon na bago ang mga gamit., sa panahon na yun. isang magandang sala.,may sofa, fire place sa kanang bahagi ng mansyon,kandila atbp., sa kaliwang bahagi ng sala ay may isang salamin na malaki., na kung titingnan mo ay makikita mo ang sarili mo hanggang tuhod., inabot kami ng gabi sa pagkukwentuhan., habang ang mata ko naman ay tumitingin sa paligid(or talagang mabilis lang ang oras sa aking panaginip) kakaiba ang simoy ng hangin., natapos ang kwentuhan namin ng sandaling umalis ang aking "kaibigan" para kumuha ng makakain., magaling naman sya makisama sakin kaya ayos lang sakin., basta hindi siya nangangagat hahaha XD., napansin ko na hawak ko parin ang salamin na inabot sa akin ng isang lalaki. tiningnan ko itong mabuti, nakakita ako ng isang matanda sa salamin ., nakakatakot ang kanyang mukha., mas masahol pa sa mukha ng matanda dun sa "Babua" (kung tama ang pagkaspelling ko.,isa palabas ni kris aquino) napunta ako sa isang madilim na lugar., isang lugar na may matataas na damo at maputik na lupa., sa scene na ito., hinahabol ako ng matandang babae., na may kung anung meron sakin na kailangan niya akong patayin., bakit kaya?? hmmm., habang tumatakbo napansin ko na hawak ko parin ang salamin., inisip ko kung babasagin ko ang bagay na ito ., anu kayang mangyayari??., sa daan ay may nakita akong bato, kinuha ko ito at nagtago ako sa isang lugar kung saan hindi ako makikita ng matandang babae., Binasag ko ang salamin at nakarating ako sa lugar kung saan una kong tinitigan ang salamin (sa sala ng mansyon). nagtataka ako kung bakit binasag ko na ang salamin pero buo parin ito ng nakabalik ako sa mansyon., dumating ang aking kaibigan at nagtanong kung bakit ako nakatulala sa salamin na hawak ko., kinuwento ko sa kanya ang mga detalye., at hindi sya naniwala.

nagising ako sa aking pagkakatulog., mga 1:00 ng madaling araw., pumikit ulit ako., at bumalik ulit ang panaginip ko ng mga sandaling iyon., nandun ako sa place kung saan naiwan ko ang aking panaginip., hawak ko parin ang salamin at nasa kusina ang lalaking kausap ko. bakit kaya ang panaginip na ito nanaman ang aking napanaginipan?? sinilip ko ulit ang salamin na hawak ko at bumalik nanaman ako sa lugar kung saan naroon ang matanda., na animoy naghihintay saking pagbabalik., ngumiti ito sa akin at dahan dahang lumalapit sa akin., hindi ako makagalaw sa oras na yun., pero may humawak sa aking mga braso at pilit akong hinahatak palayo kung saan hindi kami maabutan ng matandang babae., isang kaibigan., paulit ulit lang ang nangyayari., nagigising ako ng mga oras na binabasag ko ang salamin at kapag natulog ako ulit nanaman sa lugar kung saan ako nagsimula., (weird dahil kadalasan., kapag nagising ako., hindi ko na napapanaginipan ang naging panaginip ko sa sandaling natulog ulit ako)